Ipinagbibigay-alam po ng pamunuan ng Jose Panganiban Water District sa lahat ng kanyang konsumidores na ang paghina at tuluyang pagkawala ng daloy ng serbisyo ng tubig ay sa kadahilanang ang Paltic Dam po at San Antonio Dam ay nangangailangan ng maintenance dulot ng malakas na bugso ng ulan/bagyo. Asahan po natin ang ganitong pangyayari tuwing tag-ulan. Sanhi ng paglabo ng tubig kung kaya nagkakaroon ng “emergency shutdown” kaya nawawalan tayo ng “supply” ng tubig. Isinasagawa po ito upang masiguro na malinis ang tubig na inyong magagamit.
Inaasahan po naming ang inyong suporta at pang-unawa.

Maraming salamat po,

JPWD Management30