Ipinagbibigay– alam po ng pamunuan ng Jose Panganiban Water District na mayroon po tayong kasalukuyang promo sa mga naputulan ng tubig na may moroso mula taong 2003 – 2015. Maaari na pong maibalik ang serbisyo ng inyong tubig sa mas mababang halaga.

Narito ang mga detalyeng dapat malaman:
-50% na paunang bayad sa naiwang bayarin sa tubig at sa
pagpakabit ng linya
-ang natitirang 50% na balanse ay base sa
mapagkakasunduan
-walang Reconnection Fee na babayaran

Magsadya o magtungo lamang po sa tanggapan ng JPWD para sa ilang mga katanungan sa nasabing promo.

Maraming Salamat po.