MAGLAGONLONG RIVER, SITIO TABADYAK BRGY SAN JOSE

               Ang nakalipas na mga taon hanggang sa kasalukuyan ay nakakaranas pa rin ng kakulangan sa suplay ng tubig lalo na ang mga malalayong lugar gaya ng Brgy. Osmeña, Brgy. Larap at sa mga matataas na lugar gaya ng Orange Hill ng Brgy. North Poblacion, South Poblacion at Brgy. Upper Motherlode lalo na kung panahon ng tag-init at ang inaasahang mas kakulangan ng suplay ng tubig sa bayan ng Jose Panganiban sa mga susunod na taon dulot ng paglobo ng populasyon.

                Upang matugunan ito, nangalap ng  solusyon ang Pamunuan ng Jose Panganiban Water District kaisa ang ating Local Government Unit sa paglalatag ng panibagong proyekto para makahanap ng  bagong water source ng tubig para sa bayan ng Jose Panganiban.

               Ang proyektong ito ay pinangunahan ng ating kagalang galang na punong bayan  Mayor Ricarte R. Padilla, pangalawang punong bayan Vice Mayor Ariel Non,  Miyembro ng Sangguniang Bayan, General Manager ng JPWD-Mr. Eduardo C. Campita, Chairman of Board of Directror-JPWD Engr. Carlo Maranan at kasama ang miyembro ng Board of Directors-JPWD.

              Ito ay isa lamang sa mga iba pang malalaking proyekto ng ating butihing Mayor sa pagsulong ng bayan.

             Sa kasalukuyan, natapos na ang imbakan ng tubig o DAM na nakatayo sa Sitio Tabadyak ng Brgy San Jose na siyang mapagkukunan ng tubig mula sa Maglagonlong River.

KONSTRUKSIYON NG DAM

            Ayon sa pag-aaral at base sa karanasan ng naninirahan sa mismong lugar, malaki ang ilog, maliit ang tsansa na matuyuan ito kahit mainit o summer season. May kapasidad ang ilog na makapagbigay ng mahigit 200 lps na kayang suplayan ang mga barangay na makikinabang sa proyekto. Ito ay ang Brgy. San Jose, Brgy. Sta. Cruz, Brgy San Isidro, Brgy. Salvacion, at Brgy. Dayhagan. Ito ay nasa 100% porsyento na ang kabuuang natapos sa proyekto. Nakapaglatag na rin ng linya ng tubo mula sa                   Maglagonlong River papunta  sa Brgy. Dayhagan, Brgy. Salvacion, Brgy. Sta. Cruz at Brgy. San Isidro. Tinatayang 18 km na ang nalagyan ng tubo.

KONSTRUKSIYON NG DAM
KONSTRUKSIYON NG DAM
KONSTRUKSIYON NG DAM

          Kasama sa nabanggit na proyekto ay pagtatayo ng konkretong  125 cubic meter capacity ground reservoirs sa Brgy. San Isidro at ang filtration nasa Brgy. San Jose. Ito ay pinondohan ng LGU kasama ang karagdagang pipelines project para sa Brgy. Dahican, Brgy. Nakalaya, Sitio Tabadyak Brgy. San Jose, at Sitio Tutok Brgy. Sta. Rosa Norte na sa ngayon ay 30%  na ang natapos sa paglalatag ng mga tubo.

         Katuwang rin ang ilang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways  (DPWH) upang  mapalad na mabigyan ang Jose Panganiban Water District ng pondo  para sa proyektong patubig na isa sa mga napili na kulang ang pinagkukunan ng suplay ng tubig, subalit mayroong potensyal sa pag-unlad partikular sa industriya ng turismo o layunin makatulong sa pag-usbong ng turismo sa bansa. Ang nasabing proyektong ito ay para sa bagong water source-deep well na magmumula sa Brgy. San Rafael.

        Ang nasabing deepwell ay may lalim na 90 meters at tinatayang aabot sa 25 LPS ang makukuhang tubig para sa dagdag suplay sa sentro ng bayan ng Jose Panganiban at Brgy. Larap. Sa ngayong November 21, 2017, ay nasa 50% na sa kabuuan ang natapos sa proyektong ito.

        Ang mga nabanggit na pondo ay mula sa pagsisikap ng ating mapagmahal na punong bayan Mayor Ricarte R. Padilla, sa kanyang masigasig na pakikipag-uganyan sa iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan na maituturing na isang tagumpay.

        At para sa karagdagang proyekto, naglaan ang Jose Panganiban Water District ng karagdagang pondo para sa proyektong pipelines na magdudugtong sa Brgy. Larap, Brgy. Sta. Elena at Brgy. San Isidro.

       Sa implementasyon ng proyektong ito, manggagaling ang suplay ng tubig  mula sa  Maglagonlong river-water source at Brgy. San Rafael –water source-deep well na magsasalubong papunta sa sentro ng buong bayan ng Jose Panganiban at Brgy. Larap kaya malaki ang kapasidad na lalakas ang  pressure ng tubig sa sentro ng bayan upang umabot sa malalayo at matataas na lugar.

       Ang implementasyon ng proyektong ito ay maaasahan sa lalung madaling panahon upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan partikular ang Brgy. Larap na may layong mapaunlad ang lokal na ekonomiya at turismo.

      Tinatayang sa darating na taong 2019 ay makokompleto ang kabuuang bilang na 27 barangay o 100% porsyento ang may suplay ng tubig sa ating bayan.

      Ito ay patunay  na patuloy ang pamunuan ng Jose Panganiban Water District kaisa ang LGU sa isang hangarin na magkaroon ng tubig ang lahat ng Barangay sa ating bayan ng Jose Panganiban.